Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Globe pinababantayan sa NTC mga iligal repeater

0 113

Nakiusap ang Globe Telecom ng mga Ayala sa National Telecommunication Commission na bantayan ang mga iligal na repeaters or signal boosters na madali lang nabibili ngayon sa mga online stores.

Ayon sa Globe, pinagbawal ng NTC ang paggamit ng iligal na mga repeater noon pang 2013 dahil maaari nitong agawan ng signal ang isang buong komunidad, barangay o bayan.

Ayon sa Globe, laganap ang bentahan ng iligal na repeater sa shopping websites, online marketplace, online shopping apps at mga electronics ang communication stores sa bansa.

Ang mga iligal na repeater or signal booster ay ginagamit ng ilan para palakasin ang signal ng cellphone

Sabi ng Globe, mahinang signal, mabagal na koneksyon, dropped calls at poor voice call quality ang nagiging epekto ng mga iligal na repeater.

Sinabi pa ng Globe na binabalewala lang ng mga iligal na repeater ang ginagawa ng mga telco para mapalakas at mapaganda ang koneksyon ng kanilang mga subscribers.

Minungkahi ng Globe sa NTC na siguruhing tanging ang mga aprubadong repeater lamang ang payagang ibenta sa mga authorized users at subsribers at obligahin ang mga gumagamit na sumunod agad sa NTC sakaling awatin na silang gumamit nito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.