Abante Tonite Interactive

Globe Telecom ‘best company to work’ sa Asia 2019

0 183

Muling pinara­ngalan ang Globe Telecom bilang isa sa Best Companies to Work for in Asia ng top regional publisher sa human resource industry, ang HR Asia.

Kinilala ng highly-reputable award-gi­ving body ang Globe sa pagtataglay ng pambihirang antas ng emplo­yee engagement, company culture at emplo­yer branding.

May kabuuang 190 kompanya sa 10 bansa (China, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Singapore, Taiwan, Thailand at UAE) ang nag­laban-laban para sa coveted title na Best Company to Work For in Asia. Ang masu­sing selection process ay kinabibilangan ng 360-degree assessment ng talent strategies ng mga kalahok, employee engagement, at leadership effectiveness.

Inimbitahan ng HR Asia organizers ang mga empleyado ng mga kalahok na kompanya na magsumite ng ratings at opinions sa kanilang mga employer. Kinilala ng HR Asia ang mga inisyatibo ng Globe na pagkalooban ang mga emple­yado nito ng ‘best wor­king environment’ at iba’t ibang oportu­nidad para sa holistic deve­lopment.

“This award goes to all the employees of Globe who make the organization strong, a­gile, and future-ready. At Globe, we see ta­lent as our core asset and the forefront of custo­mer service. This is why we ensure our emplo­yees experience a strong culture of colla­boration that celebrates innovation and inclusiveness,” wika ni Globe Chief Human Resource Officer Renato Jiao.