Abante Tonite Interactive

Globe Telecom pinalawak ang network coverage sa mga hilly barangay ng Cebu

357

Sa lalong madaling panahon ay makararanas na ang mga residente ng Brgys. Bonbon at Guba sa Cebu City ng pinahusay na mobile network coverage makaraang magtayo ang Globe Telecom ng mga karagdagang cell site upang matugunan ang dead spots sa mountain areas.

Bukod sa dalawang cell sites na dineploy ng Globe sa Brgys. Bonbon at Guba, target din ng kompanya na magtayo pa ng mga tower sa Brgys. Tabunan, Sirao, at Babag, na kokonekta sa libo-libong kabahayan sa iba pang panig ng mundo.

“This is part of our vision to provide each and every Filipino access to critical telecommunications services, especially those who live in underserved, sparsely-populated areas, as they need connectivity the most,” pahayag ni Globe General Counsel Froilan Castelo, kasabay ng pasasalamat sa Cebu City Government, sa pamumuno ni Mayor Tomas “Tommy” Osmeña, para sa mabilis na proseso ng pag-iisyu ng permit.

Matatagpuan sa hilly lands ng Cebu, ang Brgys. Bonbon at Guba ay isang oras lamang ang layo mula sa central business district. Bago makarating sa uphill barangays ay kailangang dumaan sa matatarik at magagaspang na kalsada kaya mahirap itong mapuntahan kapag masama ang panahon.

Ang sitwasyong ito ang nag-udyok sa Globe para magtayo ng cell site sa bawat barangay, upang makatulong sa mga komunidad na manatiling may koneksyon lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ang cell site deployment ng kompanya sa uphill Cebu ay bahagi ng malawakang network modernization program nito para mapalakas ang ‘reach, resilience at reliability’ ng Globe network.

Ang Globe ay patuloy na nagbubuhos ng malaking investment sa pagmodernisa at pag-upgrade ng network nito, kung saan gumagastos ito ng 32% ng topline revenues nito kada taon. Ito ay isa sa pinakamataas na reinvestment ratios sa telcos sa mundo.

Hanggang noong katapusan ng September 2018, ang Globe ay nakapag-deploy na ng halos 12,000 LTE sites gamit ang 700 MHz, 2600 MHz, at iba pang spectrum assets.

Dahil dito, ang LTE coverage nito ay nararanasan sa 90% ng mga lungsod at bayan sa buong Pilipinas.