Abante Tonite Interactive

Gloria, Anne, Maine, Alex pukpukan sa MMFF Best Actress

223

tonite-pak-allan-dionesMamaya na ang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2018 sa The Theatre at Solaire.

Kabilang sa mga bumubuo sa jury this year ang premyadong aktor na si Christopher de Leon at premyadong aktres-direktora na si Gina Alajar, at ang international theater actress na si Joanna Ampil.

Liyamado raw sa Best Picture award ang LGBT-themed family drama na “Rainbow’s Sunset”, pero may laban din daw ang “Jack Em Popoy: The Puliscre­dibles” na pinupuri kahit comedy ito.

Parehong Graded A ng CEB ang “Rainbow” at “JEP.” Si Ms. Gloria Romero (para sa “Rainbow”) ang sinasabing malakas sa kate­goryang Best Actress, pero puwede rin daw makasilat si Anne Curtis (para sa “Aurora”) o si Maine Mendoza (para sa “JEP”) at si Alex Gonzaga (para sa “Mary, Marry Me”).

Kung sa Best Supporting Actress ilalagay si Alex ay sure na raw itong mananalo dahil kabogera raw si Alex sa romcom movie nina Toni Gonzaga at Sam Milby.

Sa mga technical category ay mukhang hahakot ng mga award ang “Aurora” ni Direk Yam Laranas.
***

Pelikula ni Vice, Coco ‘close fight’ sa takilya

Fantastic ang resulta sa takilya ng “Fantastica” ni Vice Ganda nu’ng Christmas Day, pero hindi raw nalalayo ang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza, na nasa second slot.

Hindi katulad last year na ang layo ng lamang ng “Revenger Squad” ni Vice sa “Ang Panday” ni Coco at “Meant To Beh” ni Bossing.

Ayon sa mga taga-MMFF, may mga sinehan na nagdagdag ng 1:30 AM screening nu’ng araw ng Pasko para ma-accommodate ang dumagsang audience that day.

Ang dinig namin ay pumangatlo sa takilya ang mystery-thriller ni Anne Curtis na “Aurora”, pero nagbabago-bago raw ang ranking ng mga pelikula sa 3rd to 8th slot, na ang sabi sa amin ay ang layo ng diperensiya sa kita ng Top 2 movies.

Nalungkot kami sa narinig naming nangungulelat sa takilya, pero sana ay makabawi pa ito lalo na’t mukhang may night audience naman ang pelikulang ito.
***

Maymay nagpaka-fan kay Marian

Magkakasamang nanood ang cast ng “Fantastica” nu’ng December 25 sa SM Mall of Asia kasama ang pami-pamil­ya nila.

Si Dingdong Dantes ay kasama ang misis niyang si Marian Rivera, habang si Richard Gutierrez ay ka-join ang love niyang si Sarah Lahbati at anak na si Zion na kasama rin sa movie. Nandu’n din sina Ruffa at Raymond Gutierrez para suportahan si Chard.

Kung sa set ng “Fantastica” ay umiral ang pagka-faney ni Maymay Entrata kay Dingdong, doon sa Christmas screening sa MOA ay nag-fangirling naman si Maymay kay Marian.

Tuwang-tuwa na lumapit at nagpapiktyur si Maymay kay Yanyan, na ikinaaliw ng mga fan nila.

“I haven’t laughed that hard in a long time! Truly grateful for being with the creators (and my family) of the movie on ope­ning day,” masayang tweet ni Dong.

Kahapon ay sige pa rin sa pagsi-cinema tour si Vice Ganda at umabot siya ng SM City Pampanga.

Sina Coco Martin at Maine Mendoza ay nag-cinema tour din nu’ng December 25. Ang mag-amang Lito at Mark Lapid ang matiyaga sa pagsama-sama kay Coco sa pag-iikot nito.
***

Carlo bonding sa pamilya ni Angelica nu’ng Pasko

Kasama si Carlo Aquino ng pamilya ni Angelica Panganiban nu’ng Pasko kaya masaya ang lahat, sabi ng caption ni Angge sa IG.

May mga kumbinsidong nagkabalikan na ang CarGel, pero meron ding mga nagdududa dahil parang promo raw ang dating ng dalawa at kulang sa sincerity.

In fairness ay may mga happy for CarGel dahil deserve daw ng mga ito ang magkaroon ng love, lalo na si Angelica na ilang beses nang nasaktan at iniwanan.

Kita raw sa smile at sa glow ni Angge na masaya ito ngayon with Carlo, so sana raw ay huwag nang mag-nega ang mga basher dahil matinong lalaki naman si Carlo.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang kinikilig sa CarGel at umaasang love is lovelier the second time around for the two of them.