Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gloria Arroyo nganga sa NEDA

0 356

Walang alam si Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa plano umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si ex-President Gloria Macapagal-Arroyo bilang susunod na pinuno ng National Economic and Development Authority (NEDA).

“Wala po akong balita tungkol diyan sa bagay na iyan. At kung meron man ay ipapaalam ko sa sambayanan,” wika ni Roque.

Kaugnay ito ng isang report na iaanunsyo ang appointment ni Arroyo sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte noong Lunes pero hindi ito nangyari.

“Ang sabi ay iaanunsiyo daw kahapon sa SONA. Hindi po nangyari. So hayaan na po natin iyang issue na iyan,” dagdag ni Roque.

Abril nang iupong NEDA acting secretary si Karl Kendrick Chua matapos magbitiw si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia dahil sa personal na dahilan. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.