Abante Tonite Interactive

Gloria Diaz minaliit ng Divina law firm

582

Pinalagan ng aktres at dating Miss Universe Gloria Diaz ang pangmama­liit umano sa kanilang pamilya ng law firm ng abogadong si Nilo Divina kaugnay sa inilalaban nilang lupain sa tapat ng University of Santo Tomas (UST).

Dahil dito nagpasya ang dating beauty queen at mga kapatid niya na kasuhan ang mga pari ng unibersidad na kinakatawan ng law firm ni Divina.

Kinuha ng pamilya ng aktres ang serbisyo ng abogado ng yumaong si Pangulong Ferdinand Marcos na si Manuel Lazaro upang hawakan ang kaso.
Nagmula ang usa­pin sa joint ownership ng mga Diaz at UST sa lupang nasa tapat ng unibersidad.

Sa panayam ng TONITE sa aktres, sinabi nitong minamaliit sila ng Divina law firm pero hindi umano sila papayag na basta-basta mababalewala ang kanilang ipinaglalaban.

Sinabi pa ni Diaz na sa ngayon ay may ginagawa nang konstruksyon ang lupaing kanilang hinahabol sa UST.

Kinumpirma rin ni Diaz na may anim na buwan nang tumatakbo ang kanilang kaso laban sa UST.

Samantala, tinangkang hingan ng reaksyon ng TONITE ang Divina Law firm sa isyu pero bigong makontak ang mga opisyal sa likod ng nasabing law firm. (Mia Billones)