Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gloria inabsuwelto ng SC sa NBN-ZTE scam

0 284

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang pagkaka-absuwelto ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong may kinalaman sa kontrobersiyal na NBN-ZTE deal.

Base sa resolusyon ng SC na may petsang Oktubre 20, 2020 subalit isinapubliko nitong Huwebes lamang, ibinasura ng 3rd Division ang inihaing petisyon ng Office of the Special Prosecutor na humihiling sa Sandiganbayan na irekonsidera ang pagbasura sa graft charges laban kay Arroyo.

“The petition is bereft of merit and that the instant petition infringes upon GMA’s [Gloria Macapagal-Arroyo] constitutional right against double jeopardy,” ayon sa SC.

Matatandaan na noong 2011 ay sinampahan ng Office of the Ombudsman ng graft charges si Arroyo dahil sa pag-awtorisa umano sa $130 million national broadband project sa pagitan ng gobyerno at ng Chineze firm na ZTE Corporation.

SM food to go Banner Ad

Ibinasura ng SC ang kaso dahil nabigo umano ang prosekusyon na ipakitang dehado umano ang gobyerno sa NBN-ZTE deal.

Naabsuwelto rin si Arroyo sa kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Iginiit ng SC na nabigo ang prosekusyon na ilahad ang ebidensya laban kay Aroryo katulad ng pagtanggap uano nito ng regalo at pabor mula sa mga opisyal ng ZTE. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.