Abante Tonite Interactive

Gloria may P35K ‘taghirap allowance’ sa mga empleyado ng Kamara

By
486

Ipinagkaloob ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang P35,000 special allowance ngayong buwan sa mga kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa flag raising ceremony kahapon inanunsyo ni Arroyo ang magandang balita para sa mga empleyado ng Kamara.

Ayon sa Speaker, ang P35,000 special allowance ay bukod pa sa P5,000 na grocery and meal allo­wance na ibinigay noong Agosto sa bawat empleyado.

Abante Hiring – IT dep

Si House Committee on Accounts chairperson at Leyte Rep. Yedda Marie K. Romualdez ang inatasan ni Arroyo na mamahagi ng special allowance.

“Somebody from Congress told me that August and September are, to use his words, ‘taghirap months’… August and September ang daming applications for loan. Then last August, with the hard work of Accounts Chairman Yedda Romualdez, you received a grocery allowance of P5,000. This month, with an even harder work of Congresswoman Yedda Romualdez, I have been able to authorized the release of 35 thousand,” pahayag ni SGMA.

Nagpasalamat si Arroyo sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng Kamara sa pagsuporta sa kanyang liderato lalo na sa pagtataguyod ng mga legislative agenda ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.