Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gloria pabor kay Rabiya

0 166

Gandang –ganda ang Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz sa bagong Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

“Maganda. Kamukha ni Belle (Isabelle Daza).Super ganda. She deserves to win,” deklara niya nang makatsikahan namin si Gloria sa virtual presscon ng

Oh, My Dad . Palabas ito tuwing 5-6PM sa TV5.

Tinanong din namin ang reaksyon ni Rabina sa sinabi ni Gloria.

“Natutuwa ako kasi it’s different ‘pag galing kay Gloria Diaz having you know, really high standard when it comes to beauty pageant, being the first ever Miss Universe coming from the Philippines and it’s a good source of inspiration and as of this moment, I need people who believe in me. And it’s such an honor that Miss Gloria Diaz is one of those people who supports me in this journey,” deklara niya nang tanungin namin siya sa Frontrow Exclusively Meets Rabiya.

Anyway, kasama ni Gloria sa Oh, My Dad sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Louise Abuel Adrian Lindayag at Ariel Ureta.

Ito ay prodyus ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films sa Team Brightlight Productions nina Albee Beniez, Pat P. Daza at Corinna Vistan.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.