Abante Tonite Interactive

GLORIA RERESBAK SA NAGPAKULONG SA KANYA?

By ,
11

Nagpahiwatig si da­ting Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na reresbak sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya matapos na ibasura ito ng Supreme Court (SC) kahapon.

Sa pahayag ni Arroyo kahapon matapos ilabas ng SC ang resulta ng botohan ng mga mahistrado kung saan 11 ang nagbasura sa plunder case laban sa kanya at apat ang komontra, sinabi ng dating pangulo na umaasa siyang hindi dadanasin ng iba ang kanyang karanasan.

“It is my fervent hope that nobody else will suffer the persecution that had been levied on me through self-serving interpretation and implementation of the law,” sabi ni Arroyo sa press statement na inilabas ng kanyang tanggapan.

Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, tila nagbabanta si Arroyo na hindi nito palalagpasin ang mga taong na­ging dahilan ng kanyang pagkakulong.
“And that the disregard of truth for which I was made to suffer be dealth with accordingly at the soonest possible time,” pahayag ni Arroyo.

Nobyembre 2011 nang kasuhan si Arroyo ng election sabotage subalit nakapagpiyansa at pansa­mantalang nakalaya.

Subalit noong Oktubre 2012 ay naglabas ng arrest warrant ang San­diganbayan laban sa kanya dahil sa kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman kaugnay ng paglustay umano sa P366 million intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula 2008 hanggang 2010 kaya mu­ling na-hospital arrest ito sa Veteran Memorial Medical Center (VMMC).

Matapos ang halos anim na taon, nagdesisyon kahapon ang SC na nagbabasura sa kanyang kasong plunder na isinampa ng Sandiganbayan First Division at inutos ang pagpapalaya kay Arroyo.

TAMA LANG NA LUMAYA NA — PING

Hindi naman kinontra ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang naging desisyon ng SC at sinabi nitong tama lang na ibigay na ang kalayaan kay Arroyo dahil may edad na aniya ito at hindi naman maikakailang hindi na mahaba pa ang ilalagi sa mundo ng dating pangulo.

“Even for purely humanitarian consideration, I support the Supreme Court’s ruling to free her and accord her some comfort for the remaining years of her life, which are not really that many, considering her age.

As I have repeatedly said, while I will ne­ver forget who they are, I have forgiven all my tormentors for the past nine years under her administration, living or dead,” komento ni Lacson na isa sa mga mahigpit na kritiko noon ng administrasyong Arroyo.

GALIT ANG KABABAIHAN

Subalit kung ang grupong Gabriela ang tatanungin, isang matinding insulto umano ang pagpapalaya kay Arroyo.
“We are dismayed and extremely disappointed at the Supreme Court’s dismissal of plunder charges against former President Arroyo and her consequent release from detention.

Mrs. Arroyo has, since her arrest, enjoyed several privileges and this latest development is an insult to Filipino people deprived of funds and services as Mrs. Arroyo plundered the nation’s coffers and an insult to victims of rights violations under her regime,” ayon sa inilabas na pahayag ng grupo.

Iginiit pa ng grupo na dapat ipagpatuloy ng mga kababaihan ang paghahabol sa kataru­ngan at papa­nagutin si Arroyo sa pandarambon­g sa kaban ng bayan at mga paglabag sa karapatang pantao na naitala sa rehimen nito.

NIRERESPETO NG SANDIGANBAYAN

Iginagalang naman ng Sandiganbayan ang naging desisyon ng SC.
“We are going to abide with the decision. Whatever the SC says, no problem,” pahayag ni Sandiganbayan First Division chairman Justice Efren dela Cruz.

Unang naghain si Arroyo ng demurrer sa Sandiganbayan sa nabanggit na kaso subalit ibinasura ito ng nasabing division kaya inakyat sa SC kung saan siya naghain ng demurrer of evidence.