Abante Tonite Interactive

Gloria at Vilma pinalitan

32

Tuluyan nang pinalitan sa kanilang puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto­ dahil sa pagboto ng “no” sa death penalty law.

Kahapon ay personal na pinanumpa ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez si Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica bilang Deputy Speaker for Central Luzon na dating puwesto ni Arroyo.

Sinamahan ng kanyang mga kasamahang mambabatas mula Central Luzon o Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, Zambales at Aurora, si Villarica sa podium­ habang pinapanumpa sa kanyang bagong puwesto.

Iniluklok naman bilang chairman ng House committee on civil service si Batangas Rep. ­Mario Vittorio Marino bilang kapalit ni Santos-Recto.