Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Glover sasabak sa Bossing

0 155

Natapos na ang quarantine period ng replacement import ng Blackwater na si Shawn Glover Martes at inaasahang makakapag-report na sa team bilang kapalit ni Jaylen Bond.

Pero sa mga darating na araw pa magdedesisyon ang Bossing kung dadayo ng out-of-town para sa full-contact scrimmages makaraang itigil muna ang full practices ng mga PBA team sa Metro Manila nitong Lunes nang isailalim sa Alert Level 3 bunga ng pagtaas ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

“Mag-ra-run muna ng plays, simulate ng depensa, mga ganu’n muna,” ani coach Ariel Vanguardia. “Kasi nga, we have to develop that chemistry with our import and as it is kailangan siguro mag-cram kami.”

Wala pang pinahayag si PBA Commissioner Willie Marcial sa resumption date ng mga laro sa 2021-22 Governors’ Cup elims mula nang ipagpaliban lahat ang mga laro sa linggong ito. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.