Abante Tonite Interactive

Glutathione drips mapanganib – PDS

By
0 220

Nagbigay ng babala ang Philippine Dermatological Society (PDS) sa posibleng panganib at side effects sa paggamit ng glutathione drip na sinasabing nakakapagpaputi ng ­balat.

Nabatid na inaprubahan na ng Phi­lippine Food and Drug Administration (FDA) ang oral glutathione products bilang isa lamang nutritional supplement.

Habang ang drips ay inaprubahan bilang isang gamot para protektahan ang mga pas­yente na may cancer mula sa nerve side effects ng platinum-based chemotherapy.

Nabatid sa ulat na ang glutathione drips na ginagamit para sa “cosmetic purposes” ay seryosong banta sa taong gumagamit nito. Posible umanong magkaroon ng acute renal failure, severe drug reactions, vasculitis, anaphylactic shock, at iba pang side effects base sa isinasagawang pag-aaral sa IV glutathione na ginagamit bilang skin whitening.

Bukod dito, walang glutathione pro­duct sa buong mundo ang inaprubahan bilang skin whitening agent. Kinakailangan umano na magsagawa muna ng clinical trials para mapatuna­yan ang kakayahan nito na makapagpaputi ng balat.

Importante umano na itala ang lahat ng pros at cons sa katawan bago ito i-inject o ­inumin.