Abante Tonite Interactive

GM candidate Pascua kampeon sa Malaysia

84

Naghari si Grandmaster candidate Haridas Pascua sa Malaysia Rapid and Blitz Chess Championships 2016 sa Universiti Teknologi Petronas sa Ipoh, Perak, Malaysia.

Tinumba ng top seed na 21-year-old Pangasinan native at Baguio resident ang pitong nakatapat, tinablahan ang dalawang iba pa para pangibabawan ang Open men’s rapid at isubi ang MYR1,000 cash prize.

Nakaipon si Pascua ng 8.0 points sa possible 9.0.
Sixth placer si Senador na may solo 6.5 points at MYR300.

Pinapataas ni Pascua ang ELO rating niya sa kasalukuyang 2409 pa-2500 para maging 19th GM ng bansa bago matapos ang taon.

Nasa radar pa niya ang Raja Catur Sabak Bernam sa Nov. 19 sa Kuala Lumpur, Malaysia, Philippine International Chess Championship sa Dec. 5-11 at PSC-Puregold Chess Challenge sa December 13-18 na parehong sa Subic, Olongapo, at Jollimark International Open Chess Championships sa Dec. 25-31 sa Hong Kong.