Abante Tonite Interactive

GMA nilampaso ng ABS-CBN sa k-drama

2,858

WAGI ang pinakabagong Asianovela ng ABS-CBN na Black. Tinutukan talaga ng mas maraming manonood ang pag-uumpisa ng Korean fantasy thriller na ito at pumalo agad sa national TV rating na 11.3% kontra kalaban na may 7.2% lang base sa datos ng Kantar Media.

Binuksan ng serye ang kanilang mahiwagang mundo sa karakter ni Sarah, isang babaeng nakakakita ng anino ni kamatayan sa mga taong patapos na ang oras sa mundo. Naging matensyon agad ang episode nung umeksena si Sarah sa loob ng isang eroplano. Palipad na dapat ito nang nakita ni Sarah ang napakaraming anino – pagbabadya na lahat ng nakasakay dito ay mamamatay na.

Aakusahan siyang terorista na may kaugnayan sa pagbagsak ng eroplano at ikukulong kung saan nakilala niya si detective Marlon Han.

Abante Hiring – IT dep

Bumuhos ang papuri ng netizens sa Black sa unang gabi nito kaya naman trending topic ito sa Twitter nationwide.

“#BlackOnAbsCbn as in WOW! Aabangan ko to every night. Astig! Ang intense at nakakatakot din,” sabi ni @chuchutae95.

“Bagong tagalized Korean series na dapat abangan. Very interesting plot. #BlackOnAbsCbn,” dagdag ni @DAarzadon.

“Ang daming twists ng KDrama na ito at panigurado hindi ka mabo-bore sa panonood. Nakaka-excited panoorin bawat episode #BlackOnAbsCBN,” sabi ni @belle020889.