Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GMA nilihim ang COVID ng Staff

0 536

Nilantad ng Talents Association of GMA Network (TAG) ang diumano’y mabagal na responde ng kompanya matapos makumpirma mula sa `multiple insiders’ nila na isang newsroom staff ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa pahayag ng TAG, tanging sa mga empleyado lang umano ng News and Public Affairs Department at ilang close contact ng carrier pinaalam na positibo ang isa nilang empleyado. Ang iba ay wala umanong kamalay-malay sa naturang isyu.

“Accordingly, workers from the GMA News and Public Affairs Department who had close contact with the patient had been notified and advised to go on self-quarantine, while others – as usual – were allegedly kept in the dark until word inadvertently spread,” pahayag ng TAG.

Sa ngayon umano may panawagan ang mga empleyado ng GMA na sagutin ng network ang mandatory rapid testing ng lahat ng newsroom staff subalit sinabihan umano sila na hintayin ang anunsyo ng management.

Dahilan para maghanap ng paraan ang mga staff kung paano magpapa-test na hindi lumalabag sa mandatory quarantine.

“GMA Network has been providing free rapid tests for its regular employees, and some Project Employment Contract (PEC) workers especially if they work on the field, but these are scheduled tests. Reportedly, mandatory rapid testing for newsroom staff has yet to be provided, and neither their health insurance provider nor the GMA management is willing to shoulder the costs of confirmatory PCR testing,” ayon sa TAG.

Bukod pa dito, tinigil umano ang hazard pay para sa ilang manggagawa, gayundin ang walang kasiguraduhan na bayad para sa mga pinag-forced day off. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.