Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GMA reporter Howie Severino inaresto

0 324

Kabilang ang reporter ng GMA news na si Howie Severino sa libu-libong lumabag sa ‘quarantine protocol’ na inaresto sa isinagawang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) at QC Task Force Disiplina nitong Miyerkules.

Sa operasyon, kasama si Severino sa mahigit 2,000 residente na dinakip dahil di pagsuot ng facemask at ang iba naman ay dahil sa paglabag sa physical distancing.

Agad dinala sa Amoranto Sports Complex, ang mga inaresto kasama si Severino kung saan sumalang sila sa seminar ng tamang pagsunod sa quarantine protocols.

Matapos nito ay agad silang idinaan sa booking at inquest proceedings para sampahan ng kasong paglabag sa City Ordinance na may kinalaman sa health protocols.

Bago sila kinasuhan ay isinailalim din sila sa rapid test para alamin kung positibo ang mga ito sa COVID- 19.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Severino na ibinaba lamang niya ang suot na face mask dahil iinom siya ng tubig bago sumakay sa kaniyang bisikleta.

Sa Facebook post ni Severino, ipinaliwanag niya na siya at ang kaniyang mga kasama ay nakasuot lahat ng face masks at huminto lamang sila sa bike shop sa Mother Ignacia upang bumili ng inumin.

“We were all outdoors where the risk of infection is much lower than indoors and maintained at least four feet distance from each other,” ayon kay Severino.

“I had just finished my drink and returned the bottle to the store before I could pull my mask back up, when at least two vehicles of QC law enforcers arrived to tell me I was talking without my mask covering my mouth and had to be brought to Amoranto for a seminar.” paliwanag pa ni Severino.

“However, I am kind of glad that as QC is an epicenter of the disease in the Philippines, they are finally doing something, even if it’s a bit draconian. I even offered to give a talk at the seminar. Instead they returned my bike and told me I could go home,” ayon pa sa mamamahayag.

Magugunitang nitong Abril ay kabilang si Severino sa nagpositibo sa COVID-19 kung saan siya ang tinawag na patient 2828 subalit kabilang siya sa mga napaulat na ‘survivor.’ (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.