Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GMA staff binulaga ng sibakan

0 332

Nagulantang ang ilang staff ng GMA News TV matapos na mabalitaan nitong Miyerkoles na wala na silang babalikang trabaho.

Base sa source ng Abante Tonite, kabilang sa mga sinibak ang mga empleyado na contractual o nasa ilalim ng tinatawag na project employment contract.

Nabatid na hindi na babalik sa ere ang nasa 10 programa ng GMA News TV. Kabilang dito ang flagship newscast na “State of the Nation”, “Balitanghali, “QRT”, at “News TV Live”.

Ilang empleyado naman ang idinaan sa social media ang kanilang saloobin hinggil sa biglaang sibakan sa kanilang hanay katulad ng “Stand for Truth” reporter na si Nico Waje sa kanyang post na “Yakap mga Kapuso!” bilang pakikiramay sa mga kapwa empleyado na nawalan ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Samantala, hanggang kagabi ay wala pang pahayag hinggil dito ang pamunuan ng GMA.

Leave A Reply

Your email address will not be published.