Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GMA walang utang – Gozon

0 324

Sa kabila ng pagbaba ng kita dahil sa pandemic, binalita ng GMA Network Inc. na walang anumang obligasyong bayarin ang media company.

“I am pleased to say that your company is debt-free as of end-March 2020,” pahayag ni GMA Network Chairman at CEO Felipe Gozon sa annual stockholders meeting ng kompanya.

“I repeat, your company is debt-free as of end-March 2020. And this demonstrates our ability to balance ratings growth with sound financials,” dagdag niya.

Siniguro rin nito na hindi nila pababayaan ang kanilang mga empleyado sa gitna ng pandemic dahil kinokonsidera nilang “best assets” ang mga ito.

“In line with that, we took care of them during this difficult period, particularly in the in the initial stages when there was total lack of transportation and some areas were even locked down or totally quarantined,” ani Gozon.

“Nobody was left behind that is the meaning of walang iwanan,” dagdag niya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.