Abante Tonite Interactive

GMRC sinulong ng DepEd sa paglobo ng bullying

219

Sinuportahan ng Department of Education (DepEd) na ga­wing ‘core subject’ sa mga paaralan ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa gitna umano ng dumaraming insidente ng bullying sa mga estudyante.

Ayon kay DepEd spokesman Anna Sevilla, kasama sa kanilang pagrerebisa sa K to 12 curriculum na gawing asignatura ang GMRC.

Lumalabas kasi sa datos ng DepEd na noong 2016 hanggang 2017 ay nasa 22,059 ang naitalang kaso ng bullying sa mga paaralan.

Aniya, iniimbestigahan na nila ang ilang insidente ng bullying na napaulat sa social media.

Kasama sa mga naitalang insidente ng bullying ay ang pisikal na pananakit mismo sa mga biktima.

Giit ng opisyal, mahalaga sa ganitong sitwasyon ang pinatutupad na panuntunan ng kagawaran para matigil ang kaso ng bullying sa mga eskuwelahan.

Kabilang dito ang responsi­bilidad ng mga magulang at guro para bantayan ang mga insidente ng bullying.