Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Go, CSB bobomba vs EAC

0 61

Sasandal uli ang Saint Benilde Lady Blazers kina Francis Mycah Go at Gayle Pascual upang makaapat na dikit na ragasa at masolo pa rin ang liderato kapag sumalpok kontra Aguinaldo Lady Generals sa 97th National Collegiate Athletics Association women’s volleyball tourney elims sa Paco Arena sa Maynila ngayong Biyernes.

Nagbaon si Go ng game-high 17 points, 17 excellent digs at 14 excellent receptions sa four-set win ng CSB laban Letran Lady Knights noong Linggo, samantalang umayuda si Pascual sa iniskor na 13 para maging solidong paborito sa alas-2:30 kontra EAC na bokya pa sa panalo sa tatlong asignatura.

SM food to go Banner Ad

Wala pa ring nakukuhang set ang Lady Generals ngayong taon sa mga nakatuos kaya kailangang magtripleng kayod sina Krizzia Reyes, Catherine Almazan at Lyka Perez upang masilat ang CSB. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.