Abante Tonite Interactive

Go For Gold, Fiba tambal para sa World Cup 2019

254

Nagtambal para sa 18th FIBA World Cup 2019 ang International Basketball Federation at Go For Gold Philippines para sa pagdaraos ng mga pakulo ng huli sa bansa at sa iba pang mga nalalapit na international competition hanggang June 30, 2020.

“The theme would be to support our Gilas Pilipinas men’s basketball team in the Fiba World Cup and hopefully the Philippines does well in the tournament,’’ pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go nitong Huwebes.

Magpapa-raffle rin ang Go For Gold ng dalawang tickets para sa isang winner upang makapanood ng live sa Gilas game kontra Angola sa preliminaries sa Setyembre 4 sa Foshan, China.

Bukod sa Angola, makakaharap din ng Pinoy quintet ang Serbia at Italy sa prelims ng World Cup sa darating na Aug. 29-Sept. 15.

Para sa mga sasali sa raffle contest, pumunta lang sa Facebook page ng Go For Gold PH at Scratchit para sa tsansang manalo ng tickets sa PH-Angola match at all-expense-paid trip.

Nagpirmahan sina Go at Fiba APAC marketing head James White para sa kasunduan.

“Fiba normally goes global, but this is the first time that Fiba will work with a local sponsorship. It was a creative idea, very smart,’’
saad ni White sa contract signing sa Tektite Tower office ng Powerball Marketing & Logistics Corporation, ang prime mover sa likod ng Go For Gold program. (Janiel Abby Toralba)