Abante Tonite Interactive

Go For Gold PH skaters kikilos na para sa 2024 Paris Olympics

215

Sa pagsama ng skateboarding bilang regular event para sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France, sisimulan na ng Go For Gold Philippine skateboarding team ang diskarte para makaprodyus ng maraming skater na Pilipino na kakalibre ni Margielyn Didal.

Inihayag kahapon ni Skateboarding and Roller­ Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoria, na kaka-accredited lang nila ng 12 bagong judges at referees sa ilalim ni Asian Extreme Sports Federation technical director Warren Stuart.

Magdaraos din aniya sila ng serye ng regional tryouts na sisimulan ng Luzon leg sa Iba, Zambales sa Mar. 16-17 na tatapusin ng national finals kung saan ang mga winner ay may tsansang makipagkompitensya sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nob. 30-Dis. 11.

Abante Hiring – IT dep

Ganado sa parangal ng Philippine Sportswriters Association athlete of the year, tiwala si Didal na mas bibida siya sa nalalapit na Olympic qualifying trips na tutus­tusan ng Go For Gold.

“The award by the PSA has motivated me to work harder as I prepare to qualify for the Olympics,’’ sambit naman ni Didal, na agad sumikat sa pagsakote ng gold medal sa 18th Asian Games 2018 sa Indonesia.

Rank No. 14 sa world’s top 60 skaters, aangas pa ang 19-year-old Cebuana sa apat na Olympic qualifying meets sa London, United­ States, China at Japan upang mamantine o ia­ngat ang kanyang current world ranking.

“We feel that Margie and the skateboarding team will become our bright lights in the Olympics, and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal,’’ hirit naman ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

Ang Go For Gold ang gagastos sa Olympic qualifying trips nina Didal at Filipino-American Christiana Means para makasikwat ng silya sa Tokyo. Top 38 women skaters tapos ng serye ng qualifying ang mga makakaabot lang sa 2020 Tokyo Games.