Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Go, Isko, Pacman kumasa sa drug test

0 57

Tatlong kandidato sa pagka-presidente ang nagpahayag ng kahandaang magpa-drug test.

Ito’y kasunod ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang kandidato sa pagka-presidente ang adik umano sa cocaine.

“Kahit hindi naman required ito ng batas, willing akong mag-volunteer na magpa-drug test. Ito ay para maipakita natin sa mga botante na fit for public service ang mga tumatakbo,” sabi ni Senador Bong Go.

Sinabi naman ni Senador Manny Pacquiao na kahit anong oras at saang lugar ay nakahanda siyang magpa-drug test.

“Although I’m not in a position to judge anyone on this issue, I am willing to undergo drug test anytime and anywhere. Sana ganyan din ang ating mga kapwa kandidato. Mas maganda kung hair follicle test para mas sigurado,” pahayag ni Pacquiao.

Kasado rin si Manila Mayor Isko Moreno na magpa-drug test kung hihilingin aniya ito para sa mga presidential candidate.

“Ah mahirap lang ako, kahit nga solvent `di ako tumikim cocaine pa,” ayon kay Moreno sa ginawa niyang pagbisita sa grupo ng mga magsasaka sa Calauan, Laguna, kahapon ng umaga.

Hindi naman tinukoy ni Pangulong Duterte kung sino ang presidential bet na gumagamit ng iligal na droga. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.