Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Go: Kongreso dapat may werpa sa COVID fund

0 59

Sang-ayon si Senador Bong Go na magkaroon ng kapangyarihan ang Kongreso para busisiin kung paano ginagamit ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pondong inilaan para matugunan ang pandemya ng COVID-19.

Paliwanag ni Go, sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mga pagdududa ng mga mambabatas gayundin ng publiko.

“Importante dito walang dudahan, importante walang pagdududa ang publiko at walang pagdududa po ang Senado sa ginagawa ng Executive,” sabi ni Go sa isang panayam nitong Sabado.

SM food to go Banner Ad

Kung kaya’t naisip umano niya na magkaroon ng probisyon sa pagpapasa ng budget na dapat mayroong kapangyarihan ang Kongreso para busisiin ang paggamit ng COVID fund.

“Kung maaari po sana lagyan natin ng clause doon na halimbawa dapat merong oversight function ang Kongreso para tingnan paano ginamit ang pondo, saan napunta ang pondo, sino bumili para maiwasan ang dudahan dahil nasa gitna tayo ng pandemya napakahalaga po ang bawat oras,” ayon pa sa senador.

Leave A Reply

Your email address will not be published.