Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Go: Mga korap putulan ng daliri

0 152

Pinaamiyendahan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang batas kung saan ang mga opisyal na napatunayang guilty sa katiwalian, lalo na ang mga nasa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ay dapat putulan ng isang daliri bilang parusa sa kanila.

“Dapat pilayan po ang mga magnanakaw para hindi na po makagalaw. Dapat ngayon na po. Kung pwede lang putulin ‘yung daliri. Ang layunin nito ay mas maging malalim at mas mabusisi ang imbestigasyon. Para ito sa bayan at para malaman na rin natin ang katotohanan.” pahayag ni Go sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole.

SM food to go Banner Ad

Pero giit naman ni Senate President Vicente Sotto III na hindi naayon sa Saligang Batas ang nasabing panukala.

“I wish I could agree with you but it’s [an] unconstitutional and inhumane punishment,” ayon naman kay Sotto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.