Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Go pinadagdagan PSC pondo

0 67

Sinuportahan at hiniling din ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na madagdagan ang pondo ng Philippine Sports Commission at dalawa pang ahensiya ng gobyerno para maipagpatuloy aniya ang pagsuporta sa national athlete na magbibigay ng karangalan sa bansa.

“Suportado ko po ang pagbigay ng kaukulang budget sa PSC at GAB. As the Chairman of the Senate Committee on Sports and as a passionate advocate for sports development in the country, I believe that investing in sports will not only allow our country to develop more world-class athletes who can bring pride, honour and medals to our country, but will also help us in keeping our youth away from illegal drugs and other harmful vices,” pahayag Lunes ng mambabatas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umaasa rin siya na matutugunan ng PSC ang paggtuklas ng bagong atleta base sa mandato nito at maipagpapatuloy ang magarang programa kung may sapat na badyet.

“Nagbunga naman po ng maganda ang ating pagbigay ng sapat na budget sa ating mga atleta. For the first time ever, nagkaroon po tayo ng kauna-unahang gold medal. Napakalaking karangalan po ito para sa ating bansa. Through our efforts, the Philippines became the top performing country in Southeast Asia in the recent Tokyo Olympics,” panapos niya. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.