Abante Tonite Interactive

‘Go’ pinatakbo ni Gaco

By
1,468

Kapit-bisig sina ex-pro Jerwin Gaco, Yankie Haruna at Justin Gutang para balikatin ang Go for Gold sa pahirapang 106-95 panalo laban sa Batangas-EAC sa 2018 PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig nitong Huwebes.

Pero nanggagalaiti pa rin si Scratchers coach Charles Tiu dahil sa performance ng mga bataan laban sa EAC na nasa dulo ng standings.

“We have a tendency to think that we’re better that what we really are,” bulalas ni Tiu. “We have never proven anything in the NCAA or D-League. It’s disappointing in that sense, but we’re happy with the win.”

Nagsumite ng 23 points si Haruna, may double-double na 21 points at 10 rebounds si Gaco para ihatid ang Scratchers sa pang-apat na panalo sa pitong laro, kabuhol ang Zark’s Burger-Lyceum sa seventh.

Siyam sa 15 points ni Gutang ang nilista sa fourth nang magsimulang sumalag ang Go for Gold para ipagpag ang makulit na Generals. May mahalagang 13 points at five assists din si JJay Alejandro sa Scratchers.

Nanindak sa 94-91 ang Batangas-EAC sa back-to-back baskets nina Cedric Ablaza at Earvin Mendoza kulang 3 minutes pa, bago umek­sena sa dulo sina Alejandro at Gutang para ipreserba ang panalo.

Pinangunahan ng 21 points at 12 rebounds ni Ablaza ang Generals. (Vladi Eduarte)