Abante Tonite Interactive

Go signal ng DOH hinihintay ng Marikina testing center

0 415

Nanindigan ni Marikina City Mayor na hindi sila nakikipagkumpetensya sa Department of Health (DOH) kundi partner sila sa paglaban kontra sa lumalalang sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos makapaglaan ang Marikina LGU ng isang testing center na may pasilidad para sa mass testing na kung saan ay makatutulong sa DOH na umasiste sa mga magpapa-test.

Nabatid na wala pa ring sagot ang DOH sa hangarin ng Marikina na bigyan sila ng permiso na makapag-test ng iba pang possible carrier na ikinairita na ng alkalde dahil sa bagal ng aksyon ng DOH.

“DOH should not treat Marikina as a client applying for a license to operate a laboratory like this, kundi it should be a partnership. This is a whole of government approach kung saan nagtutulong-tulong ang lokal at national. Kung ano ang kakulangan sa national ay pinupunan ng mga lokal na pamahalaan,” paliwanag ni Teodoro.

Una nang nakipagpulong si Teodoro sa ilang key officials ng DOH, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), World Health Organization, at Marikina City Health Office kaugnay sa kanilang testing center sa Marikina katuwang ang University of the Philippines-National Institute of Health (UP-NIH) na mag-set up ng kanilang special laboratory para sa COVID-19 testing.

“Tinulungan tayo ng UP-NIH sa pag put up ng laboratory, para may credibility, mga experts sa clinical research at special laboratory,” ayon pa kay mayor na sinabing ka-partner nila ang Manila Health Tek, Inc.

“We should make this test kits commercially available for all. We should be able to ensure that testing is ‘democratize,’ open access sa lahat ng Pilipino, lalo dun sa mga mahihirap na hindi kaya magpatingin sa mga pribadong ospital,” Dagdag pa nito.

Siniguro naman ni Dr. Imelda Mateo ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center, na sinusunod nila ang lahat ng standards and protocols ng DOH para sa kanilang testing center.

“We are making sure na wala pong standards na maba-violate, masusunod po lahat. RITM is here with us and they are working with us po para tingnan ang facilities,” ayon pa Mateo.

Tutulong din ang mga tauhan at doktor ng Marikina City Health Office (CHO) na ite-train ng mga scientist at doctors ng Manila Health Tek para sa molecular laboratory.(Vick Aquino)