Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Go, Tabuena kayod sa huling 3 round

0 42

Napag-iwanan sina Lloyd Jefferson Go at Miguel Luis Tabuena sa opener kaya kailangang lumagare sa last three rounds upang makasulong sa second stage ng 32nd Korn Ferry Tour.

Bumuslo si Go, 26, ng Cebu, ng even par 72 habang si Tabuena, 26, ng Manila at suportado ng ICTSI, nang malamyang two-over par 74 sa siklab ng first stage ng KF tour qualifying sa Dayton Valley Golf Club sa Nevada Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas).

Nasa 75 players ang mga naglalabo-labo sa 21 berths para sa second stage, kasabay sa lima pang golf course. Ang mga papasa ang mga maglalaban-laban simula sa Oct. 12.

Papalo naman ang final stage sa Nov. 4-7 sa Savannah, Georgia kung saan kukunin ang iba pang mga hahampas sa Professional Golf Association Tour ng Estados Unidos. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.