Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Go, tropa hahabulin bronze

0 63

VINH YEN — Naungusan si Lois Kaye ‘LK’ Go ni Natthakritta Vongtaveelap ng Thailand sa semifinals playoff upang malaglag ang national team sa bronze medal match ng 31st SEA Games women’s golf sa Heron Golf Course sa punong lungsod na ito ng probinsya ng Vinh Phuc sa Vietnam Martes.

Sinablay ni Go ang par sa par-5 No. 9 samantalang nag-birdie ang Thai upang sawatain ang No. 4 PH squad, nagkasya sa pakikipagtuos sa bronze kontra No. 2 Singapore na 0-2 loser sa isa pang Final Four match laban sa third seed Malaysia.

SM food to go Banner Ad

Pumuwersa ng playoff si Go kay Vongtaveelap nang tibagin si Eila Galitsky, 3&1 at yumukod ang suportado ng ICTSI at PSC na si Rianna Mikhaela Malixi kay Vongtaveelap, 2&1.

Hindi rin pumasok sa podium finishes sina Go, Malixi at tropa niya sa ICTSI na si Ma. Rafaela ‘Mafy’ Sigson sa women’s individual at sa sina Kristoffer Arevalo, Gabriela Tomas Manotoc, John Edward Dy at Joaquin Ethan Hernandez sa men’s individual at team events. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.