Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Go umangat, Que dumausdos

0 114

Mainit ang simula nina Lloyd Jefferson Go at 2016 Rio de Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena, na nasustena ng una at nanlamig naman ang huli sa penultimate playdate ng first stage ng Korn Ferry Tour Qualifying-School sa Dayton Valley Golf Club sa Nevada Huwebes (Biyernes sa Manila).

Sinalpak ng Seton Hall University product mula Cebu si Go ang bogey-free, eagle-laced 66 para mula sa 44th sa halfway umangat sa joint 29, samantalang nakakapanlumong nagbuslo ang 2021 Idaho Open champ na si Tabnuena ng 74 para bumagsak sa share sa 44th buhat sa tie sa 31st.

Top 20 plus ties lang ang mga aabante sa Stage II sa five venues umpisa sa Oct. 12 habang hahampas ang final qualifier sa Savannah, Georgia sa Nov. 4-7. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.