Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Goal Diggers may pakulo

0 91

Asam ng bagong tatag na sports marketing organization na makasagip ng buhay at makatulong sa sports sa panahon ng pandemya sa pagsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad at programa sa onine at social media platform.

Hangad ng Goal Diggers PH team nina founder Robert ‘Robbie’ De Vera, co-founder -host Simone Jaldon at event organizer Rely San Agustin kasama ang mga dating atleta na makatulong sa sports at mamamayan sa gitna ng hamon ng COVID-19.

“I have lost a lot friends during these pandemic,” anang dating MILO Sports Executive na si De Vera sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online forum Martes na mga hatid ng San Miguel Corporation, Go For Gold PH, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart Upstream Media.

“That is why we are trying to make the most of sharing activities, and making our kababayan mentally busy. Mostly affected kasi in this kind of situation is mental, and anxiety is a big problem,” dagdag niya. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.