Abante Tonite Interactive

GOAT si Jordan ng 90s, LeBron sa mga MILLENNIAL

444

Sino ang greatest of all time?

Sa dalawa na lang nauwi ang diskusyon ngayon: Michael Jordan o LeBron James.

Depende siguro kung kaninong henerasyon ang matatanong.

Ang mga Batang 90s, Jordan ‘yan. Ang Millennials, siyempre LeBron.
Pero kay MJ, simple lang ang sagot.

“We play in different eras,” anang dating Chicago Bulls star matapos purihin ang kamador ng Los Angeles Lakers ngayon. “He’s an unbelievable player. He’s one of the best players in the world if not the best player in the world.”

Sa Paris natanong si Jordan, sa news conference ng first ever regular season game ng NBA sa lungsod. Owner na ngayon si Jordan ng Charlotte Hornets, hinarap ang Milwaukee Bucks sa Paris nitong Biyernes.

“I know it’s a natural tendency to compare eras to eras and it’s going to continue to happen,” dagdag ni Jordan.

Hindi rin nangiming aminin ng six-time champion, dalawang three-peat sa Bulls na fan siya ni LeBron.

“I’m a fan of his,” ani Jordan. ?I love watching him play. But as you can see, our league is starting to expand (with) very talented players. I think he’s made his mark.”

Maraming very talented players mula Europe ang nasa NBA, isa sa pinakamaangas si reigning MVP Gia­nnis Antetokounmpo.

Pasiklab ang Greek Freak ng 30 points, 16 rebounds at 6 assists sa loob lang ng 32 minutes para ihatid ang Bucks sa 116-103 panalo laban sa Hornets. (Vladi Eduarte)