Abante Tonite Interactive

Gob, mayor, barangay official i-drug test

169

Hiniling ng isang mambabatas kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na maglabas ng kautusan para obligahin ang lahat ng gobernador, alkalde hanggang sa mga opisyal ng barangay na sumailalim sa random drug testing.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, dating alkalde ng Dasmariñas City, maaa­ring gamitin ng mga pamahalaang lokal ang kanilang peace and order fund para sa drug testing.

“Isang circular lamang ni Secretary Eduardo Año, requiring all elected public officials, to undergo random drug testing, that would be valid,” sabi ni Barzaga.

Aniya, may kapangyarihan ang DILG na atasan ang mga local official para sumailalim sa mandatory drug tes­ting.

“If found positive, you will be subjected to whatever disciplinary action warranted under the circumstances at kung ayaw n’yo magpa-drug testing, we can suspend you and we can even terminate you from service because the drug problem is the number one problem in our country,” ayon pa sa mambabatas.

Kasabay nito, hiniling din ni Barzaga sa kanyang mga kasama­han sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sumailalim sa random drug testing.

Sinabi pa nito na kanya nang inihahanda ang isang resolus­yon para sa random drug testing ng mga mi­yembro ng Kamara. (JC Cahinhinan)