Abante Tonite Interactive

Gobert, France ginulat ang USA

0 311

Nagsumite ng all-around game na 21 points, 16 rebounds, 3 blocks, 2 assists at 1 steal ang hinirang ding best player na si Rudy Gobert para kamauhin ang France sa pagbulaga sa deposed two-time champion USA, 89-79, sa 18th Fiba World Cup 2019 quarters knockout match Miyerkoles nang gabi sa Dongguhan Sports and Cultural Centre sa China.

Umagapay kay Gobert ang kapwa National basketball Association players na sina Evan Fournier at Frank Ntilikina para ipalasap ng Frenchmen sa Americans ang unang dagok na lumagot sa 58-game winning streak nito na may NBA cagers din sapul noong 2006.

Dalawa sa butata ni Gobert ay kina Kemba Walker at Donovan Mitchell para sa kulang sa mandirigmang Estados Unidos, na bago magsimula ang men’s quadrenial hoopfest ay malakas na ang mga ugong-ugong na may tulog para makapagdepensa ng titulo.

Makakasagupa ng France sa knockout semifinals din ang Argentina bukas sa Beijing. Uuwing luhaan sa medalya ang mga Kano na may ilang beses na ring nangyari sa kanila sa kompetisyong ito.