Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gobert 1 taong iindahin ang Covid

0 433

Si Rudy Gobert ang naging mukha ng COVID-19 sa NBA.

Siya ang unang player na nakumpirmang dinapuan ng coronavirus, pagkatapos lumabas ang resulta ng test ay sinuspinde ang liga noong March 11.

Nakarekboer na ang Utah Jazz center, may panlasa na siya pero hindi pa aniya bumabalik ang kanyang pang-amoy. Matatagalan pa – isang taon siyang walang sense of smell?

“The taste has returned, but the smell is still not 100%. I can smell the smells, but not from afar,” pahayag ni Gobert sa L’Equipe noong Martes. “I spoke to specialists, who told me that it could take up to a year.”

SM food to go Banner Ad

May mga kakaibang nararamdaman pa ang Frenchman, hindi lang niya sigurado kung epekto ng virus o ng halos apat na buwan nang walang basketball.

“I’m starting to train hard, I’m still not playing five-on-five, but I’m training individually, boxing, swimming, running in the mountains,” dagdag ng 28-year-old, 7-foot-1 cager.

Isang beses nga, natakot siya habang nagpapapawis.

“(But) I had experiences, a month and a half ago, that scared me. I felt like ants in my toes and wondered what it could be,” aniya.

Malamang makalaro na si Gobert sa restart ng NBA sa July 30. No. 4 sa Western Conference ang Jazz (41-23) at kasama sa 22 teams na imbitado sa Orlando. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.