Abante Tonite Interactive

Goblin star pumanaw na

1,499

Isa na namang South Korean actress ang namatay. Baguhan pa lang ito o starlet pa kaya hindi pa kilala ng karamihan.

Si Go Soo Jung, 25-year-old ay nilibing noong February 9. Naging pribado lang ang funeral nito ayon sa kanyang agency, ang Story J Company.

Kinumpirma ng agency niya na sakit ang ikinamatay nito.

Isa sa drama na napanood si Go Soo Jung ay sa Goblin. Nakasama rin siya sa isang MTV ng BTS. Nagbigay naman ng message ang kanyang agency : “We will forever remember actress Go Soo Jung, whose bright smile shined upon the world. Rest in peace.”

Franchise ng ‘Running Man’ nabili ng Pinas

Ika-apat na ang Pilipinas na magkakaroon ng sariling version ng SBS’ variety show na “Running Man.” Tatawagin itong Running Man Philippines. Sa 2021 nakatakdang iere ng isang giant network dahil nakuha nila ang franchise.

Sampung taon na ang naturang show na tinatampukan ng nirerespetong host/comedian na si Lee Jae Seok.

Nauna na ang Vietnam at China na nagkaroon ng version ng show. Bukod sa Philippines, okay na rin ang Indonesia.

Maganda ang mga variety show ng South Korea na sana nga ma-achieve ngayon sa bansa .

Supposed to be may show ang cast ng Running Man noong February 9 pero na-postpone ito dahil sa coronavirus.