Abante Tonite Interactive

Gobyerno agad resolbahin ang problema sa pagkain

By
183

Marami ang nagtatanong sa aking Radio program sa DZXL 558 kHz kung bakit tahimik daw si Pangulong Duterte sa gitna ng pag-iingay ng publiko sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin partikular ang bigas.

Ang sagot ko sa mga texter at caller ay mas makabubuting ipaabot nila ang kanilang mensahe sa Malacañang sa mga hotline number ng tanggapan ng Pangulo.

Pero sa aking pana­naw bilang komentarista, hindi maa­ring manahimik ang Pangulo­ sa isyung ito at dapat na magsalita sa lalong madaling panahon upang mapakalma ang publiko.

Abante Hiring – IT dep

Sa kasalukuyan, halos lahat ay umaaray sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, produktong agrikultura at mga pangunahing panga­ngailangan ng masang Filipino.

Ang pinakaimportanteng gawin ng gobyerno, resolbahin ang pagkain dahil kapag kumakalam ang sikmura ng mamamayan ay tiyak na magre­reklamo ang mga ito sa gobyerno.

Sa ganitong krisis sa pagkain ay masasabing palpak ang mga opisyal ng Pangulo na siyang may responsibilidad dito.

Taliwas ito sa pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na maayos daw sa pagganap sa tungkulin at maging si NFA administrator Jason Aquino.

Kung maayos ang trabaho ng mga opis­yal na ito ay hindi hahantong sa kasalukuyang problema sa pagkain o mataas na presyo na siyang pa­ngunahing inire­reklamo ng publiko.

Madalas nating marinig at bukambibig ng Pangulo na ayaw niyang makakarinig ng reklamo mula sa taumbayan, pero ngayon ay tila hindi ata nariinig ng Malacañang ang daing ng mamamayan sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Sa kasalukuyang sitwasyon ay kailangang mabilis ang aksiyon ng gobyerno upang hindi na ito lumala at humantong sa isang krisis sa pagkain.