Abante Tonite Interactive

Gobyerno binukulan ng ₱5.1B sa tax ng imported rice

0 176

Nagbabala ang isang grupo ng magsasaka na mali ang mga idinedeklarang halaga ng imported na bigas na pumapasok sa Pilipinas kung saan aabot sa P5.1 bil­yong tari­pa ang nawala sa gobyerno.

Mas malaki pa umano dapat sa P5.9 bilyon ang dapat na nakolekta ng pamahalaan sa taripa ng 1.43 mil­yong toneladang bigas na pumasok simula naag isinabatas ang Rice Tarrification Law.

Ayon kay Federation of Free Farmers national manager Raul Montemayor, nakakaalala at kadudaduda ang idineklarang halaga ng imported rice na maaari lamang mangyari ‘pag nagsabwatan ang mga importer at supplier nila.

“The Federation of Free Far­mers expressed deep concern and apprehension over the apparent undervaluation of rice imports following the enactment of the Rice tarrification Law,” sabi ng grupo kahapon.

Sa palitan na P52 sa isang dolyar, lalabas na ang landed price ng imported na bigas ay nasa $227kada metric ton lamang samantalang nasa $391 per ton na ito base sa datos ng Food and Agriculture Organization. ‘Pag mas mababa ang declaration, mas mababa ang makokolektang 35% na taripa ng imported rice.

“In effect, importers appear to have undervalued their shipments by 42% and paid P4.23 billion less than what was due from them,” sabi ni Montemayor.

“The tariff discrepancy would amount to around Php 5.1 billion,” sabi pa ni Montemayor. (Eileen Mencias)