Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gobyerno iuuwi mga OFW sa Lebanon – Roque

0 443

Paiigtingin ng gobyerno ang pagpapauwi sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Lebanon, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Inihayag ito ng kalihim kasunod ng ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang kabilang sa mga nasawi sa dalawang pagsabog na naganap sa Beirut nitong Miyerkoles.

Walo naman ang iniulat na sugatan sa insidente.

“Lebanon, as we know, is war-torn. We’ve issued series of advisories against working in Lebanon. I believe the DFA will intensify our efforts to bring home our kababayan in that war-torn area,” sabi ni Roque sa panayam sa kanya sa telebisyon nitong Miyerkoles.

Samantala, ipinahayag ni Roque ang pakikiramay ng administrasyong Duterte sa mga mamamaya ng Lebanon hinggil sa trahedyang dulot ng mga pagsabog kung saan mahigit 70 katao ang nasawi.

“Our thoughts and prayers are with the Lebanese people,” aniya.

Nagpahayag din ito ng pakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng dalawang Pinoy na nasawi sa insidente at gayundin sa mga sugatan sa pagsabog.

“The Deparment of Foreign Affairs has been instructed to assist all Filipinos affected by the explosions through the Philippine Embassy in Beirut,” ayon pa kay Roque. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.