Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gobyerno kinalampag sa P250 per kilo galunggong

0 93

Nanawagan ang isang grupo ng mga mangingisda sa gobyerno na magtakda ng price ceiling upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng galunggong at iba pang isda sa mga palengke.

Ayon sa Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), hindi na isda ng mahihirap ang galunggong dahil umakyat na ito sa P250 kada kilo.

“Galunggong is no longer a poor man’s fish with its average retail price of P250 per kilo,” pahayag ni Pamalakaya chair Fernando Hicap.

Umaray ang grupo na sa kabila na mababa ang farm gate price ng galunggong ay dumadaan ito sa apat hanggang limang middlemen o negosyante kaya tumataas ang presyo pagdating sa mga pamilihan.

Sabi ng Pamalakaya, nasa P60 kada kilo lamang ang farm gate ng galunggong, na apat na beses na mas mababa sa retail price.

Kailangan aniyang makialam na ang gobyerno sa pamamagitan ng pagpapatupad ng price control sa presyo ng galunggong at iba pang isda para na rin sa kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan gayundin ng mga local producer. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.