Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gobyerno, mga negosyante target 1M trabaho

0 131

Nagsama-sama ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan at mga nangungunang grupo ng negosyante sa bansa para lumikha ng isang milyong trabaho ngayong taon.

Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang executive order na pinagtibay ang National Employment Recovery Strategy (NERS) at bumuo ng isang task force para ipatupad ito.

Target ng NERS na makabangon ang bansa mula sa mga nawalang trabaho dulot ng pandemya sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Base sa Executive Order No. 140 na nilagdaan ng Pangulo, layon ng ilalatag na national strategy na buhayin ang ekonomiya para maibalik ang mga nawalang trabaho at paigtingin pa ang pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa.

Para matiyak na sinusunod ng lahat ng sangkot na ahensiya ang kanyang direktiba ay inatasan sila ni Pangulong Duterte na magsumite sa kanyang tanggapan ng periodic report kaugnay sa implementasyon ng EO 140. (Prince Golez/Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.