Abante Tonite Interactive

Gobyerno nakahanda kahit wala na ang suporta ng Amerika

466

Nakahanda ang gobyerno na harapin ang hamon ng terorismo kahit walang tulong ng ibang bansa, partikular ng Amerika.

Ito ang tugon ng Malacañang sa pahayag ni Admiral Philip Davidson, Washington Staff Military Officer for Asia Pacific, na maaapektuhan ang counter-terrorism na isinusulong sa Mindanao matapos kanselahin ng gobyerno ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na panahon na para manindigan ang gobyerno at hindi basta na lamang umasa sa ibang bansa para ipagtanggol ang Pilipinas.

Ito aniya ang dahilan kaya pinapalakas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang depensa ng bansa sa pamamagitan ng unti-unting pagbili ng mga kagamitan ng Hukbong Sandatahan.

“Sabi ni Presidente it’s about time we stand on our own two feet. We cannot be relying on other countries to defend our nation from the enemies of the state. We jave to strengthen our own rsources. We have to be ourselves,” ani Panelo.
Kapag aniya naharap sa banta ang Pilipinas, sinabi ng kalihim na haharapin ng gobyerno ang pagsu­bok at ipaglalaban ang bansa tulad ng ginawa ng mga ninuno noong panahon ng digmaan.

Idinagdag pa ng kalihim na lahat naman ay maaaring matutunan at puwedeng mabili partikular ang mga kagamitan para pang-depensa laban sa mga kaaway ng estado.

“Kaya nga papalakasin natin ang puwersa natin, mag-umpisa tayong bumili ng mga high tech weapons. Nag-uumpisa na tayo kasi the moment you detach or distance yourself, eh ‘di siyempre bago ka nang team,” wika pa ni Panelo. (Aileen Taliping)