Abante Tonite Interactive

Gobyerno pinagbabayad ng 7.39B sa Manila Water

333

Ipinag-utos ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Singapore, na magbayad ng P7.39 bilyon ang pamahalaan ng Pilipinas sa Manila Water Company Inc. (MWCI) ng mga Ayala, dahil sa umano’y paglabag sa kanilang kasunduan.

Sinabi ni MWCI assistant corporate secretary Gerardo M. Lobo, ang nasabing halaga ay para mabawi ng kompanya ang mga nalugi nito mula Hunyo 1, 2015 hanggang Nobyembre 22, 2019. Pinababayaran din sa pamahalaan lahat ng ginastos ng MWC sa PCA at 85% pa ng mga hinahabol nitong iba pang bayarin.

“The Tribunal ruled that Manila Water has a right to indemnification for actual losses suffered by it on account of the Republic’s breach of obligation. Dinsesisyunan ng tribunal na may karapatan ang Manila Water na singilin ang pamahalaan para sa ikinalugi nito dahil hindi pagsunod ng pamahalaan sa kasunduan,” sabi ni Lobo.

Sinabi ng MWCI na makiki­pag-ugnayan ito sa pamahalaan para sa maayos na pagsunod sa kautusan ng korte.

Nag-ugat ang kasong sinampa ng MWCI dahil sa pagtutol umano ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa kanilang petisyon na magtaas ng singil sa mga consumer. (Eileen Mencias)