Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gobyerno puro utang walang resulta – Lacson

0 163

Hilig na umano ng gobyero ang mangutang pero hindi naman lahat ay may magandang resulta, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Aniya, bagama’t mahalaga ang pangungutang para sa ekonomiya, wala namang maipakita ang gobyerno na resulta sa trilyong pisong hiniram nito sa mga nagdaang mga taon.

“When I first became a senator in 2001, our national government’s outstanding debt was P2.88 trillion. Over the Arroyo, Aquino and Duterte administrations, it has ballooned to P10.027 trillion as of October this year, from P8.2 trillion at end-2019,” paliwanag ni Lacson sa panayam sa radyo.

Kaya’t hindi aniya katanggap-tanggap na sabihin ni Presidential spokesperson Harry Roque na hahanap pa ng pondo para makabili ng bakuna kontra coronavirus.

Kumpara umano sa United States na nakapangutang ng $27 bilyon, maayos naman aniya ang infrastructure development at social service nito, taliwas umano sa nangyayari sa Pilipinas.

“In our case, we have expressways and skyways but they are provided and maintained by the private sector. Tayo, utang ng utang, toll naman ng toll,” sabi ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.