Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gobyerno utang pa more ng P359B

0 75

Nangutang ang pamahalaan sa mga local investor ng mahigit P359 bilyon sa pamamagitan ng Retail Treasury Bonds na inalok mula Nobyembre 16 hanggang 26, sabi ng Bureau of the Treasury (BTr) kahapon.

Sa Disyembre 2 makukubra ng BTr ang pera na magagamit nitong pangtustos sa mga gastusin ng gobyerno.

Maituturing na pangungutang ng tingi ang RTB dahil mapapautang ng kahit na sino ang pamahalaan sa halagang P5,000 lamang at inalok ito sa mga tao na ang interes ay nasa 4.625% per annum.

Ang RTB ay mababayaran sa nagpautang sa loob ng lima’t kalahating taon. Bukod pa ang P359 bilyon sa P10 bilyon na pinautang sa pamahalaan ng mga bangko kahapon sa regular na auction nito ng treasury bills.

Kulang ang koleksiyon ng pamahalaan para sa mga gastusin nito at lalo itong lumala nang magkaroon ng COVID-19 pandemic dahil maraming mga negosyo ang nagsara at mga taong nawalan ng trabaho. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.