Abante Tonite Interactive

Gohing, BF todo indak sa TikTok

488

Bumanat ng sayaw si volleyball star Melissa Gohing kasama ang kanyang boyfriend na si actor Rocco Nacino sa kanilang TikTok video.

Ipinost ni Gohing sa kanyang Instagram ang kanilang indakan na kinuan sa isang carpark garage.

“Hello TikTok world! Follow us #MelAndRocco” caption ng 28-year-old, 5-foot-3 Bacolod native at libero ng Creamline Coll Smashers sa Premier Volleyball League (PVL).

Kagaya rin ng ibang mga atleta, tuloy lang din sa pagkondisyon at paseksi ng katawan si Gohing kahit pa may enhanced community quarantine na ini-extend sa Abril 30. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad