Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gohing lalong kinapitan si Nacino

0 262

Lalong na-in love si Philippine Volleyball League (PVL) star Melissa Gohing sa kanyang boyfriend na si Kapuso actor Rocco Nacino nang i-rescue nito ang isang kuting sa gitna ng kalsada.

Sa Instagram, ibinahagi kahapon ng Motolite Power Builders veteran libero ang isang video ng pagsagip ni Nacino sa pusa.

Related Posts

“This is why I love this man so much,” sambit Nng 28-taong-gulang may taas na 5-3 na Negrense sa nobyo. “He suddenly stopped the car because he saw a kitten literally in the middle of the road. I took this video when he was able to push the kitten out of danger.”

Pinanapos na wika ng tubong Bacolod na balibolista: “All of my sisters are cat pawrents that’s why this means so much to me.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.