Abante Tonite Interactive

Gohing nagbilad ng alindog sa Bataan

0 664

Maglalaway ang sinumang Adan sa beach body ni veteran Creamline libero Melissa Gohing na kanyang ibinahagi sa social media sa pagbisita sa Bataan.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni balibolista ang sexy figures niya suot ang one-piece at two-piece bikinis sa Playa La Caleta beach.

“A beach state of mind…” caption ng Premier Volleyball League player sa isang post habang, “beach life is shore perfect,” ang kasunod nitong banat sa isa pang post.

Kasama ni Gohing sa Bataan ang nobyong si actor Rocco Nacino.

Ipinaskil din ni Gohing ang kanilang naging romantic dinner date sa dyowa sa dalampasigan.

“You make me fall deeper in love with you everyday @nacinorocco,” wakas na caption ng volleybelle. (JAT)